Hashtag, Mahal na Kita
Mahal, ila-like mo kaya pintig ng puso kong tila sasabog na sa kaba Isi-share mo rin kaya panalangin mo ay makasama ako sa tuwina Nais ko lang na malaman kung anong nadarama mo Mag-comment ka naman sa status ko Di mo lang alam Na lahat ng pino-post ko ay para lamang sa iyo Sana ay i-like mo na, #MahalNaKita.
Mahal, fina-follow na kita Sana'y 'wag mo akong ia-unfriend dahil hindi ko kaya ida-download mo kaya ang selfie ko at gawin itong wallpaper ng cellphone mo Nais ko lang na malaman kung anong nadarama mo Mag-reply ka naman sa tweet ko Di mo lang alam Na lahat ng pino-post ko ay para lamang sa iyo Sana ay i-like mo na, #MahalNaKita.
Share this content:
Post Comment
You must be logged in to post a comment.