Uunahin ko sana ang sarili ko, pero sa susunod nalang
Minsan gusto kong sabihing, ‘𝑻𝒊𝒎𝒆 𝒌𝒐 𝒏𝒂 ‘𝒕𝒐. 𝑼𝒖𝒏𝒂𝒉𝒊𝒏 𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒌𝒐.’ Gusto kong maramdaman kung paano maging prioridad ang sarili; yung hindi laging ako ang huling iniintindi. Gusto ko ng pahinga, hindi lang pisikal kundi pati ng puso’t isip. Pero laging may pumipigil. Yung konsensya, yung pagmamahal, yung responsibilidad.
Ang hirap. Yung tipong pagod na pagod ka na, pero hindi mo magawang tumigil. Hindi dahil ayaw mo, kundi dahil alam mong may mga taong umaasa sayo. Yung kahit nawawalan ka na ng hangin, pipilitin mo pa ring huminga at sabihing ‘okay lang ako,’ at ‘kaya ko ‘to,’ kasi ayaw mong madagdagan pa ang iniisip nila.
Ang dami kong gustong gawin para sa sarili ko, pero sa tuwing susubukan ko, laging may dahilan para isantabi muna. Laging may kailangang unahin. Laging may kailangang tulungan. Laging kailangang magsakripisyo. Yung sa pagitan ng kailangan nila at kailangan ko, ako yung laging talo.
Share this content:
Post Comment
You must be logged in to post a comment.